Pagdating sa online shopping sa Taobao mula sa Pilipinas, ang Taobao Age. ang pinakamahusay na Taobao Agent Philippines na makatutulong upang maging madali at ligtas ang iyong pamimili mula rito.

Taobao Agent Philippines, Taobao Agent PH

Narito ang mga paraan kung paano ka matutulungan ng Taobao Age.:

1) Pumili mula sa iba’t ibang mga Chinese online na tindahan mula Taobao, Tmall, 1688, at iba pa. Kami na ang nakikipag-usap sa mga seller para sa maayos na transaksyon.

Bibilhin namin ang mga produkto na iyong gusto at ipapadala sa aming Warehouse sa China upang doon ayusin. Sisiguraduhin namin na malinaw ang lahat na iyong mga utos at kagustuhan bago namin bilhin ang mga ito at ipaalam namin ito ng maayos sa seller.

2) Libreng Paghahanap ng mga Produkto at Pag-inspeksyon sa mga ito

Ang aming Shopping Team ay gagawin ang kanilang makakaya upang mahanap ang mga produkto na iyong gusto mula sa China.

Sa oras na matanggap namin ang iyong order sa aming bodega, susuriin mabuti ng aming koponan ang iyong mga produkto upang maka siguro na tama at naaayon ang mga ito sa iyong kagustuhan. Kung ang aming quality team ay makakakita ng depektibong produkto o hindi nakatalima sa iyong mga kagustuhan, kaagad namin itong ipaalam sa inyo. Maaari kaming magpadala ng libreng litrato ng mga ito.

3) Libreng Warehouse Storage

Kung kailangan mo ng mas maraming oras, mayroon kaming warehouse storage para sa iyong mga orders. Kung gusto mo ay maaari mong pagsama-samahin ang iyong mga bibilhin pa, mga binili mo na parating pa lang sa aming bodega, at ang mga naroroon na, at ipadala ito sa iyo ng sabay-sabay. Maaring ipatago ng isang standard member ng libre ang kanyang mga order sa aming bodega sa loob ng 120 na araw.

4) Paypal, Bank Transfer, Western Union at Money Gram

Nag-aalok kami ng iba’t ibang mga paraan ng pagbabayad kagaya ng Paypal, Western Union, Bank Transfer, at Money Gram.

Para sa mabilis at ligtas na pagbabayad, mas mainam kung pipiliin ang pagbayad mula sa Paypal. Sa paggamit ng Paypal, madali kang makakapagbayad gamit ang iyong bank card, maaari naming agad kumpirmahin ang iyong pagbayad, at iproseso ang iyong order. Bukod dito, nagbibigay din ito ng proteksyon sa mga mamimili para sa mas tiwalang pamimili.

5) Pagsama-samahin ang iyong mga orders at makakatipid ka sa pagpapadala

Maaari mong pagsamahin ang iyong mga orders mula sa iba’t ibang pamilihan sa China. Makakatipid ka sa internasyonal na pagpapadala bilang mas mahal ang unang kalahating kilo nito kaysa sa susunod na kalahati. Hindi lang iyon, maaari din kaming magdagdag ng proteksyon sa iyong produkto tulad ng bubble wrap, pati na rin pagalis ng kahon ng sapatos at mga pambalot ng walang anumang dagdag na bayad. At kung mayroon kang partikular na direksyon tungkol sa iyong ipapadala, maaari mo itong ipaalam sa amin anumang oras.

6) Nagpapadala kami sa iyong address sa Pilipinas gamit ang aming inirerekumendang mga paraan ng pagpapadala

Kapag ang iyong mga ipapadala ay handa na, ipapadala namin ito sa iyong tirahan sa Pilipinas ng ayon sa iyong napiling paraan ng pagpapadala. Ang mga sumusunod ay aming mga inirerekomenda:

Paraan ng Pagpadala sa Pilipinas

Araw ng Pagdating

Pahayag

DHL3 hanggang 7 Araw ng trabahoAng DHL ay nagbibigay ng diskwento kaya maari kang mas makatipid sa pagpapadala sa amin.
FedEx3 hanggang 7 Araw ng trabahoTulad ng DHL, ang FedEx ay naghahatid ng mabilis at magandang serbisyo.
SF Express3 hanggang 7 Araw ng trabahoAng SF Express ay parang DHL ng China na nag aalok ng mababang presyo pero mabilis na serbisyo ng pagpapadala.
EMS7 hanggang 10 Araw ng trabahoIto ay itinuturing na isang mas murang opsyon at ang presyo ay batay sa aktwal na timbang lamang.
ePacket7 hanggang 14 Araw ng trabahoMaaari kang makatipid sa paggamit ng ePacket para sa mga ipadadala na hanggang 2 KG lamang ang bigat.

Inirerekumenda namin ang mga nasa itaas na pamamaraan ng pagpapadala dahil sa kanilang maaasahang serbisyo. Ang mga sumusunod ay mayroon ding sistema ng pagsubaybay ng iyong mga kargamento. Bukod dito, ang aming mga kasosyo sa pagpapadala ay nag-aalok sa amin ng diskwento dahil sa dami ng mga transaksyon namin sa kanila, kaya maaari kang makinabang sa aming mababang presyo ng pagpapadala. Ngunit kung mayroon kang ibang gustong paraan, ipaalam ito sa amin upang mapaunlakan naming ang iyong kagustuhan.

7) Ang Taobao Age. ay nag aalok ng serbisyo ng Drop Shipping

  • Pagpapadala. Ipapadala namin ng direkta ang iyong order sa iyong mga mamimili. Hindi nila kailanman malalaman kung sino ang iyong supplier.
  • Sariling tatak. Maaari naming idagdag ang iyong logo.
  • Pagtanggal ng presyo. Tatanggalin namin ang anumang presyong nakalakip sa mga produkto.
  • Malawak na Network ng Supplier. Hindi na kailangan pang limitahan ang iyong mga supplier sa mga taong maaaring mag-dropship.

8) Ang aming Customer Service Team ay nariyan 24/7

Ang Taobao Age. ay nag-aalok ng 24/7 na serbisyo para sa mga mamimili. Nariyan ang aming Customer Service Team sa oras na sila ay iyong kailangan upang magsilbi sa lahat ng iyong mga pangangailangan, at makatulong sa iyo na mapabilis ang iyong order.

Sa Taobao Age., maaari ka na lamang umupo at magpahinga habang ginagawa namin ang lahat para sa iyo. Ito ang aming paraan upang maging maganda ang iyong eksperyensya sa pamimili! Bumili na ngayon sa Taobao mula sa Pilipinas gamit ang serbisyo ng Pinakamahusay na Taobao Agent Philippines.

Taobao Age. | Taobao Agent Philippines www.taobaoage.com

Simple Order Process

Taobao Agent Process | Taobao Agent Philippines

Enjoy More Rewards for Less!

Taobao Agent Manila

Dedicated Team to Serve You

Best Taobao Agent Philippines | Buy from Taobao from Philippines